Ang Babae sa Septic Tank ay isang napaka ganda at ibang iba sa lahat ng mga pelikula na aking napanood.
Kabilib-bilib ito dahil ito ay isang pelikula sa loob ng isang pelikula. Ang pelikula na ito ay nagpapakita ng iba't ibang klase ng pelikula o ang mga possiblidad nito - pwedeng maging isang documentaryo, isang normal na pelikula, isang musical, o parang isang commercial na pelikula sa dami ng nitong iniindorse. Lahat ng mga sangkap ng isang pelikula ay ginawa nila at napagsama sama ang lahat ng klase ng pelikula na mayroon ngayon. Ito ay nag bukas ng madaming imahinasyon at possibilidad ng isang pelikula.
Nagbigay din ang pelikula nito ng isang magandang pag bigay ng karangalan sa lahat ng hirap ng ginagawa ng mga Indie Film makers na salat sa budget at salat sa karangalan sa larangan ng pag gawa ng mga pelikula. Nagbigay ito ng napakagandang pagsilip sa mundo ng pag gawa ng indie film at mga magagaling na direktor at producer na hindi nabibigyan ng attentsyon.
Ang pelikula ay sobrang nakakatawa kung ito ay titingnan mo lamang, dahil sa mga mura, jokes, at sa itsura ng mga gumaganap pero kung ito ay iintindihin mo ng mabuti ay ang naglalaman ito ng sobrang daming problema sa lipunan - lalo na sa mga tao na sabi nga sa pelikula ay "walang wala". Makikita sa loob ng pelikula na ito ang prostitusyon, malnutrisyon, at pagnanakaw. Iba ang pinakita dito ng lahat ng gumanap sa pelikula na ito dahil sobrang nagawa nila ng ka bilib bilib ang kanilang mga trabaho. Mahirap gumanap at mahirap umarte ng paulit ulit lalo na kapag iisa lamang na plot ang ginagawa niyo. Malalim ang ipinapahayag ng pelikula na ito, ngunit kapag iyong babasahin at ang mga taong gumaganap dito ay masasabi mo talagang matatawa ka dito.
Sa lahat ng artista na gumanap dito, na alam naman nating lahat ay walang kasiguraduhan ang bayad at kung baga ang kanilang pagmamahal na lamang sa kanilang ginagawa ang pambayad sakanila, ay nagpakita ng kakaibang paganap. Lalo na si Eugene Domingo na lumusong pa sa isang totoo na Septic tank. Ginampanan din niya ang kanyang sarili at pinagsabay ito sa pag ganap ng kanyang sarili ng kabaliktaran ng kanyang ugali. Walang pwedeng mag tanong kung bakit siya napangaralan ng mga gantimpala. Sila Kean Cipriano, JM De guzman, at Cai Cortez bilang sila Direk Rainer, Producer na si Bingbong, at Production assistant na si Jocelyn ay talaga din ay kakaiba ang kanilang pag ganap dahil ginawa nilang sobrang makakatotohanan ang kanilang mga ginampanan. Ngunit pagkatapos ni Eugene ay humanga ako sa anak ni Mila sa storya na ginanapan ni Carlos Dala, dahil ang kanyang ginampanan na "binebentang anak" ay napaka bigat na gagawin lalo na sa kanyang bata na isip.
Ang pelikula na ito ay nagpapakita ng buhay ng isang Ina na mayroong pitong anak sa isang depressed area at namatayan ng anak. Araw araw, pinaghahatiian nila ang isang pakete ng instant noodles at tinitiis ang kalam ng tiyan para mabuhay lamang araw araw. Ang storya na ito ay nagpapakita din ng mga sakripisyo ng isang ina upang maitustos ang kanilang buhay araw araw kahit sila ay walang wala talaga. Ibinenta niya ang kanilang lalaking anak sa isang lalaki para lamang mag kapera. Masakit man sa kanyang loob ito, ay ginagawa niya padin.
Ang aking natutunan sa Storya na ito ay unang una, ay wag mo tingnan ang isang pelikula sa kanyang title. Nalaman ko din na hindi dapat natin hinuhusgahan ang mga indie film dahil sila nalang ngayon ang mayroong mga saysay na mga pelikula na makakatulong sa paglawak ng iyong isipan. Mahirap gumawa ng isang indie film, mahirap gumanap sa isang indie film, lalo na kapag lulusong ka sa isang septic tank.
Sa pamamagitan ng pelikula na ito, nalaman ko at alam ko na mayroon pang pag asa ang mga pelikulang pilipino na mapangaralan sa iba't ibang bansa. At huli, kailangan natin tangkilikin ang mga indie film dahil ang mga pelikula na ito ay hindi ka peperahan, ngunit bibigyan ka ng isang puso na hindi para sa pera, ngunit para sa sining na ginagawa mo.